Hangad ni John Alcala ma makagawa na naman ng kasaysayan sa triathlon kung saan sasabak siyang muli sa endurance racing ng 5150 Dapitan na lalarga sa 10 ng Setyembre sa Zamboanga del Norte.
Ang pambato ng Digos City ay galing sa matagumpay na kampanya sa IRONMAN 70.3 sa Puerto Princesa noong isang taon at dinomina rin ang 5150 Subic race noong nakaraang Hunyo, dahilan para siya maging paborito sa overall championship ng Olympic-distance race sa kabuuang 1.5-kilometer swim, 40km bike and 10km run distance.
Pero bukod kay Alcala, may mag nagtatangka ring iba pang na gumawa ng pangalan sa larangan ng prestihiyosong triathlon event na ito, kabilang dito sina Satar Salem, ang nanalo sa 5150 race sa Bohol noong nakaraang taon, Andrew Remolino, Jailani Lamama, Jonathan Pagaura, Jorry Ycong at Southeast Asian Games gold medalist Fernando Casares.
Inaasahan ang mahigpitang laban sa pagitan ng mga kalahok na gaganapin sa kaunaunahang pagkakataon sa historic Dapitan City.
May isa pang kategorya na paglalabanan sa 5150 triathlon series at ito ay ang mas maigsing distansiya sa S2, kung saan lalahk sila sa 750m open-water swim, 20km bike ride and a 5km run.