Wala nang tsansa ang Gilas Pilipinas mapa-FIBA World Cup man o Olympics ang pag-uusapan.
Ang taging hangarin na lang ng pambansang koponan ay makahirit ng panalo sa kanilang huling asignatura kontra sa China.
May bahid man ng pulitika ang dalawang naglalabang bansa, mas kaabang-abang ang resulta ng sagupaan ng dalawang koponan na naglalaban para sa paninindigan bilang isa sa mga premyadong koponan sa Asya sa loob ng basketball court.
Maghaharap ang dalawang mahigpit na magkaribal na koponan sa ganap na 8 p.m. kung saan asinta ng Gilas ang kaunaunahang panalo sa pinakamalaki at pinaka prestihiyosong basketball event sa mundo.
Bagamat wala nang saysay sa kanilang tsansa manalo man kontra China, isasalba ng Gilas ang kanilang karangalan at ayaw nilang magsilbing tulay para maging madali para sa kalaban ang pagpasok nito sa Olympics.
Kailangan ng China na manalo sa laban kontra Pilipinas na magbibigay sa kanila ng tsansa para umabante papuntang Paris Games.
Tanging ang Japan pa lamang ang may dalawang panalo sa mga bansa na naglalaro sa Asian region at nais ng China na makadalawang sunod rin.
Galing sa isang impresibong panalo ang China laban sa Angola.
Pero may nais maisakatuparan ang koponan ni head coach Chot Reyes sa kanilang pakikipagsagupa sa China sa Araneta Coliseum.
Ayaw mapabilang ni Reyes sa mga koponan ng Pilipinas na hindi nagawang manalo sa buong kampanya sa World Cup.
Walang naipanalo ang Pilipinas noong 1978, ang unang beses na nag-host ang bansa sa prestihiyosong torneo.
Sa nakaraang FIBA World Cup apat na taon na ang nakakaraan, bokya rin ang koponan ng Gilas na ginagabayan pa noon ni Yeng Guiao.
Pero higit sa numerong nakasalalay ay ang pride na pinaglalabanan ng dalawang bansa.
“We just have to remind them what we’re playing for,” ang sabi ni Reyes matapos ang kanilang masaklap na 68-87 na pagkatalo sa koponan ng South Sudan. “Just play for flag and country and we’re doing this as really our way to serve the Philippines.”
“Basically, to remind them that it’s more than just a ball game or a win. But it’s something larger, hopefully ending on a winning note, leaving a lasting impression. We’re faced with an exact same situation the last time I coached the World Cup in 2014 where we faced Senegal in our last game and with no chance to advance. It’s a same situation now. We’ll try to put things together for one last push, knowing that there’s no bearing except pride, fight for country, service, which were exactly why we’re here in the first place.”
Tanging ang Pilipinas na lamang kabilang ang Jordan at Iran ang mga wala pang panalong Asian countries sa World Cup.
Nanalo ang China at Lebanon kamakailan lamang habang nasungkit rin ng Japan ang ikalawang panalo na naglagay sa kanila malapit sa pintuan papuntang Olympics.
Pero mabigat ang hamong kanilang kinakaharap sa China, na nagawang limitahan ang Angola sa 19% shooting sa three-point region at maipakita ang solidong depensa nitng Huwebes.
Gigil rin na makabawi si Reyes at ang kanyang koponan sa pinakapangit nilang nilaro.
“I thought we played our worst game when it counted the most,” dagdag pa ni Reyes. “That early burst by South Sudan, we had a tremendous fight back by the guys, but we spent too much energy in trying to claw back but we couldn’t finish it.”
“It’s unfortunate that this is a time for us to shoot below 40% from the field and we couldn’t make shots. I guess that’s the story of the game.”