Natural lamang para sa mga bansang apektado ng bagong-publish na standard na mapa ng China na mag-react sa pagsasama ng kanilang soberanong teritoryo sa “10-dash map” ng Beijing.
Sabi iyan ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran kahapon.
Para sa kanya, dapat maging sensitibo sa mga alalahanin ng bawat isa ang mga bansa at kapag may ginawang aksyon normal lang na ang mga apektado ay magpahayag ng kanilang pagkabahala.
Buwelta ito ng Indian ambassador sa mga pahayag pagkatapos na ipagtanggol ng Chinese Ministry of Foreign Affairs ang bagong-publish na 10-dash line na mapa nito at nanawagan sa mga bansang apektado ng kanilang bagong mapa na manatiling kalmado, at iwasan ang labis na pagbibigay-kahulugan sa isyu.
Ang 2023 na bersyon ng Standard Map ng China na inisyu ng Ministry of Natural Resources noong Agosto 28 ay sumasaklaw sa mga eksklusibong economic zone ng Southeast Asian claimant states sa South China Sea, na nag-udyok sa Pilipinas, Malaysia, at Vietnam na maglabas ng mga pahayag na kumokondena rito
Naghain din ng protesta ang India sa pagsasama ng estado ng Arunachal Pradesh ng India at sa talampas ng Aksai Chin bilang opisyal na teritoryo ng Tsina.
Para kay Kumaran, ang mga bansang tumanggi sa bagong mapa ng China ay “tapat lang sa pagpapahayag ng kanilang mga alalahanin.”
Sa palagay ng Indian ambassador,ang mga bansa tulad ng India at Pilipinas ay medyo prangka kapag naapektuhan ang kanilang interes na indikasyon ng kanilang pagiging tapat.
Ayon sa Indian diplomat, ang India at Bangladesh ay dating nasa posisyon ng China at Pilipinas. Gayunpaman, pinili ng India na sumunod sa internasyonal na batas, sabi ni Kumaran.
Kung susunod ang Beijing sa naging magandang halimbawang ginawa ng India, malaki ang tsansa na maiiwasan ang mga sigalot mundo, lalo na kapag nahatak niya rin ang Russia.