Nagsasawa na si Barbie Forteza sa kasasagot na hindi talaga nagseselos ang boyfriend niyang si Jak Roberto sa love team nila ni David Licauco, ang BarDa.
Hindi naiwasang ito pa rin kasi ang naitatanong sa kanya sa mediacon ng bagong primetime series nila ni David, ang Maging Sino Ka Man, noong Huwebes, 31 Agosto 2023.
“Ever since nag-pick ang BarDa, sumikat ang BarDa, it has always been a question kung nagseselos ba? Hindi nga! So, can we stop?” bulalas ni Barbie.
“Parang napapagod na ako sumagot. Hindi ko alam kung papano iba-ibahin yung wording para iba naman sa video na to, iba naman sa video na to.
“So, parang laging yun yung tanong. And wala nga at all.
“Siguro yung assurance na tinatanong nya sa akin sa set is, kung nakakain ba ako, kung hindi ba ako natutuyuan ng pawis. Yung ganun. Mas yung care.
“Yung selos, wala talaga, dyusko! Parehas kaming aktor. Alam na namin yan,” dagdag niyang pahayag.
Kaya nga bentang-benta yung “Anti-Selos Class” sa social media account ni Jak. Natawa si Barbie nang napag-usapan yang anti-selos na pakulo ng nobyo.
Kuwento ng aktres, “Pagka magkasama kami tapos nanonood siya ng TikTok, iyon yung laging lumalabas. Tapos tawang-tawa lang siya lagi.
“Tapos nung finally, naki-ride na siya dun sa trend, pagod na pagod siya. Kasi sayaw siya nang sayaw, di ba?
“Parang every time tumutugtog yung kanta, super dance siya.
“Nakakatuwa lang kasi, he took it lightly, di ba? Coming from kung saan talaga galing yung context nun. Kaya nakita talaga yung maturity from Jak kasi ganun niya tinake yung trend. HIndi niya sineryoso.
“In fact, ginamit pa nga niya to promote his show. It’s a very good strategy coming from him. Ang saya lang, kasi ang timely lang ng lahat.”
Magsisimula ang Maging Sino Ka Man nina Barbie at David sa GMA Telebabad September 11.
Ito ang papalit sa timeslot ng Voltes V: Legacy na magtatapos na sa 8 Setyembre.
(Pep.ph)