Isang sorpresa ang inihandog ng American singer-songwriter na si Taylor Swift sa mga fans sa kanyang Instagram account noong 1 Setyembre.
Ayon sa singer, ipapalabas ang kanyang concert film na The Eras Tour sa ika-13 ng Oktubre sa United States.
“The Eras Tour has been the most meaningful, electric experience of my life so far and I’m overjoyed to tell you that it’ll be coming to the big screen soon,” aniya.
Nagsimula na ngayong araw ang ticket selling sa ilalim ng American Multi Cinema (AMC) Theaters at halos sold out na ang mga ticket para sa concert film sa New York.
Nagtapos ang huling show ni Swift sa Mexico noong 26 Agosto. Ang susunod niyang show ay magaganap sa Nobyembre sa Argentina.
Inaasahan na siya ang unang singer na makakapag-set ng record para sa first billion-dollar tour dahil sa kanyang 146 stadium shows.