Tinanggal na ng Department of Agriculture ang una nitong inilatag na poultry ban laban sa Poland.
Ito ay batay sa inilabas na Memorandum Order no.60 series of 2023 na pinirmahan ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban.
Sa ilalim ng naturang memorandum, ang importasyon ng mga domestic at wild poultry animals, kasama na ang mga produktong gawa sa mga ito, katulad ng karne, itlog, at mga sisiw, galing sa Poland, ay pinapayagan na.
Pero susundin pa rin dito ang importation rules ng Pilipinas, katulad ng pagtiyak sa kalinisan ng mga produkto, kawalan ng mga mapaminsalang sakit, at iba pa.
Batay sa datus ng Bureau of Animal Industry(BAI), nakapag-angkat ang Pilipinas ng kabuuang 249.37million kg ng mga poultry products sa unang pitong buwan ng 2023.
Maalalang sa pagsisimula ng kasalukuyang taon ay ipinataw ng pamahalaan ang pagbabawal sa pag-angkat ng mga nasabing produkto mula sa Poland dahil sa pangamba laban sa bird flu.
Maliban sa Poland, una ring ipinataw ang import ban sa Taiwan, Denmark, Peru, at iba pa.
Ito ay hakbang ng Department of Agriculture upang maagapan ang posibleng pagkalat ng bird flu sa bansa.