Nakauwi na sa bansa ang aabot sa isang daang Overseas Filipino Workers mula sa bansang Kuwait.
Ito ang kinumpirma ni Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega.
Ayon sa opisyal, ang Department of Migrant Workers ang siyang nanguna sa pagpapauwi sa mga distressed o hiraP na mga pilipinong manggagawa mula sa Kuwait.
Dumating ang mga ito sa bansa lulan ng isang flight mula sa Kuwait kahapon pasado alas 11:40 ng umaga.
Una ng nakapag pauwi ang naturang ahensya ng aabot sa 300 na distress OFW noong huling linggo lamang ng buwan ng Agosto.
Paliwanag ni De Vega ,sa ngayon ay aabot pa sa mahigit 200 na OFWs ang nasa shelter sa Kuwait.
Karamihan sa mga ito ay tumakas mula sa kanilang mga amo matapos di makayanan ang pang-aapi at pagmamalupit ng mga ito.