Niyanig ng pagsabog ng dalawang car bombs at granada ang kabisera ng Ecuador na Quito na sinundan ng pagbihag sa 57 prison guards at police officers sa anim na bilangguan kamakalawa.
Ang serye ng pag-atake ay tila show of force ng organized crime gangs , habang nag-aaklas sa mga bilangguan na pinaniniwalaang isang paghihiganti sa pagsalakay ng mga police sa mga selda upang magkumpiska ng mga armas.
“We are concerned about the safety of our officials,” sabi ni Interior Minister Juan Zapata sa isang press conference Quito.
Kahit nasa gitna ng dalawang bansa na itinuturing na world’s largest cocaine producers — Colombia and Peru — naging mayapaya sa Ecuador sa naklaipas ng ilang taon hanggang kamakailan ay sumiklab nag karahasan nang ito’y maging isang hub para sa drug trafficking.
Naganap ang mga masaker sa mga bilangguan ng Ecuador ng magkakalabang gang na may koneksyon sa Colombian at Mexican cartels na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 430 inmate deaths mula noong 2021, na kadalasan ay nag-iiwan ng mga bangkay na kung hindi man sunog ay putol-putol.