Matagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard-Romblon (PCG-ROMBLON) kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang dalawang mangingisda na nasiraan ng bangka sa San Agustin, Romblon noong ika-27 ng Agosto.
Kinilala ang mga sakay ng bangka na sina Bryan M. Madeja at Ronie Panuga.
Ayon sa dalawang mangingisda, naglayag sila mula Brgy. Anipa upang mangisda ngunit bandang alas-tres ng hapon ng parehong araw, nagka-aberya ang makina ng bangka na naging kadahilanan ng pagka stranded nila sa karagatan.
Nabigyan na ng tulong at nasa mabuting kalagayan na sina Madeja at Panuga kasama ang kani-kanilang pamilya.