PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Karamihan sa 27 na naitalang rape cases sa lungsod na ito ay mga menor de edad ang biktima, at ang mga akusadong indibidwal o naaresto ay malalapit nilang kamag-anak.
Ayon sa ulat ng Puerto Princesa City Police Office kahapon, 29 August, mula January 1 hanggang August 28 ng kasalukuyang taon, nagtala ang lungsod ng 79 insidente ng index crimes, at sa kabuuang ito, 27.34 porsyento ang mga kaso ng rape.
Kasunod ng rape, mayroong 18 na naitalang insidente ng theft, na sinundan ng 15 na insidente ng robbery, 9 na kaso ng physical injury, 6 na insidente ng murder, 3 na insidente ng homicide, at isang kaso ng robbery with homicide.
Ipinaliwanag ng pulisya na mas mataas ang kaso ngayong taon sa kaparehong panahon noong 2022 dahil 21 lamang ang naitalang kaso. Sa pagsasara naman ng taon, umabot lamang ang bilang ng rape cases sa 30.
Ngunit nilinaw ni Colonel Ronie Bacuel, ang direktor ng PPCPO, na ang rape ay hindi lamang isang umiiral na isyu sa Puerto Princesa kundi pati na rin isang malaking alalahanin sa mga probinsya ng Mimaropa at iba pang mga rehiyon.
Ipinaliwanag niya na maraming mga kadahilanan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso, at dalawa sa mga ito ay dahil hindi nagsusumbong ang mga biktima sa kanilang mga magulang sa takot na hindi paniwalaan, ang kanilang pamilya ay hindi makapagdesisyon na lumapit sa awtoridad dahil sa takot at kahihiyan na maiskandalo.
“Baka isipin natin, mataas ang kaso ng panggagahasa, ano ang ginagawa ng mga tagapagpatupad ng batas? Maraming mga intervention ang isinasagawa ng iba’t ibang probinsya na naaangkop sa kanilang lugar. Pero sa aming mga intervention, kung masigasig ang aming police-community relations, ang aming mga tauhan na pumupunta sa mga bahay at barangay, ito ay nagdudulot ng pagtaas sa bilang,” pahayag ni Bacuel.