Magsisilbi umanong mass grave ng mga sundalo ng Ukraine ang Crimea sa oras na magtangka sila na pasukin ang pinagtatalunang rehiyon, ayon sa isang mataas na opisyal ng Russia.
Babala ito ni Yevgeny Balitsky, isang military official sa Kremlin, matapos ang deklarasyon ng military ng Ukraine na tutulak ang mga ito patungong Crimea, isa sa mga pinag-aagawang rehiyon ng dalawang bansa.
Lumabas ang deklarasyon ng Ukraine matapos ang matagumpay nilang pagbawi sa Robotyne.
Sinabi ng Ukraine noong Miyerkules na ang pagbawi nito sa Robotyne ang makakatulong sa tropa na pasukin lalo ang ibang bayan sa timog na hawak ng mga Russian, patungong Crimea.
“Having entrenched on the flanks of Robotyne, we are opening the way to Tokmak and, eventually, Melitopol and the administrative border with Crimea,” giit ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba.
Binalewala naman ng Kremlin ang ipinahayag na opensiba ng mga Ukrainian.