Wala nang kakayahan ang dating US Cardinal Theodore McCarrick na humarap pa sa ibang paglilitis ayon sa isang huwes sa Boston.
“The commonwealth does not have a good-faith basis to proceed any longer with the prosecution given the testimony and the opinion of the psychologist that Mr. McCarrick is not restorable to competency,” giit ni Massachusetts state judge Paul McCallum.
Si Theodore McCarrick ay kasalukuyang 93 taong gulang na at napag-alamang may dementia, ayon sa isang forensic psychologist.
Sinampahan si MacCarrick noong 2021 ng tatlong bilang ng indecent assault at battery laban sa noong- 16 year old na lalaki.
Ang lalaki ay kinilala bilang si James Grein, na ngayon ay 64 taong gulang na.
Naganap ang insidente noong 1974 sa Wesley College sa Massachusetts sa kasagsagan ng wedding reception ng kapatid ni Grein.
Hinila umano ni McCarrick ang biktima at hinipuan, habang nagsasabi ng iba’t ibang dasal.
Naisampa ang kaso laban sa dating kardinal dalawang taon matapos ito matanggal sa Simbahang Katolika.
Marami pa umanong insidente ng assault ang pari sa iba’t ibang indibidwal, seminarista, at maging sa mga bata.
“Many clergy sexual abuse victims feel as though former cardinal Theodore McCarrick is and will always be the permanent personification of evil within the Catholic Church,” giit ni Atty. Mitchell Garabedian, ang abogado ni Grein.