Ipinatigil ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pagpapatupad ng bagong guidelines sa mga Pinoy na lalabas ng Pilipinas.
Iginiit ni Tansingco na wala naman talagang implementasyon ng bagong requirements sa regular na bumibiyaheng turista at ang layunin lamang ng bagong guidelines ay lagyan ng kategorya ang mga Pinoy na umaalis ng bansa at ilista ang documentary requirements bago sila lumisan.
Giit ng BI chief, hindi ito nangangahulugan na sinusupil ang karapatan ng Pinoy na lumabas ng bansa, at ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), sa pamamagitan ng BI, ay tinitiyak lamang na ang paalis na mga Filipino ay maayos ang mga dokumento, batay sa aktuwal na pakay ng kanilang biyahe.
Ang BI, ang regular tourists ay hindi kailangan magbigay ng dagdag na mga dokumento maliban sa kanilang pasaporte, visa mula sa pupuntahang bansa, round-trip ticket, boarding pass, at e-travel.
Tanging ang mga sumasailalim sa secondary inspection, o mas mababa sa 1 porsiyento ng mga umaalis na Filipino, ay maaaring hanapan ng dagdag na papeles kapag may nakitang red flags o hindi tugma ang mga dokumento sa pakay ng kanilang biyahe.
“The same guidelines have been in effect since 2012 and revised in 2015, and the same metrics are being used by our immigration officers until the present,” sabi ni Tansingco.