Isinaad ng Consular Office (CO) ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang malaking proporsyon ng mga aplikasyon ng pasaporte sa probinsya ng Palawan ay para sa leisure travel kaysa sa trabaho o negosyo sa unang kalahati ng taong 2023.
Sa isang datos na ipinakita ng head ng DFA Regional CO na si Carolina Constantino sa “Kapihan sa SM,” 72% (4,967 aplikane) mula Enero hanggang Hunyo ay nag-apply sa isang pasaporte para sa travel at 25% lamang ang mga aplikasyon na may kaugnayan sa trabaho.
Ayon kay Constantino, sumasalamin sa mataas na kalidad ng pamumuhay sa Palawan ang mataas na bilang ng mga aplikante ng pasaporte para sa leisure travel.
“This implies that our applicants are well-off; they’re not applying for work and work comprises only a small percentage. Unlike in other provinces, where the majority of passport requests come from individuals planning to work abroad,” aniya.
Hindi pa tiyak kung ang mga nasabing aplikante ay nagpla-planong bumiyahe sa kasalukuyan o sa susunod na taon dahil hindi saklaw ng application form ang flight details ng mga aplikante.
Dagdag ni Constantino, isang maliit na porsyento ng mga aplikante sa CO-Puerto Princesa City ay nagmula sa labas ng Palawan.
Binigyang-diin niya na ang mga datos na naitala ay naaangkop lamang sa unang kalahati ng taon at maari pa itong magbago sa paglaganap ng mga serbisyo ng DFA sa taong 2023.