Malakas ang ugong sa apat na sulok ng showbiz industry na kaya pala nag-a-attitude ang isang sikat na aktor ay dahil depressed daw.
Ang lovelife pala ng sikat na aktor ay walang buhay mula mahiwalay sa isang hunk actor na kailan lamang ay nag-dyowa reveal.
Inakala niya na magkakabalikan pa sila ng love of his life na hunk actor dahil para sa kanya, nagkatampuhan lamang sila.
Laking gulat niya isang araw ay kumalat ang balitang may bagong girlfriend na si hunk actor, ibig sabihin, wala na ang pangarap niyang forever.
Kaya pala kaya kahit naging matamlay ang career ng hunk actor, na-maintain niya ang mataas na lifestyle, dahil ‘hawak’ pala siya ng sikat na aktor.
CLUE:
Ilang taon naglaro naglaro ng ‘fencing’ ang sikat na aktor at hunk actor.
Yumabong pa ang negosyong may kaugnayan sa pagkain ng sikat na aktor habang kapiling pa si hunk actor.
Pareho nilang paborito ang salitang “love” sa mga proyekto.
‘Yun na!