Halos dalawang buwan pa bago magsimula ang bagong Halos kasado na ang usapan sa pagitan ng San Miguel at ang player na naglaro sa anim na teams sa NBA – ang Utah Jazz, Cleveland Cavaliers, Portland Trail Blazers, Toronto Raptors, Milwaukee Bucks at Los Angeles Clippers.
Pero dahil sa maliiit pa ang kanyang mga anak, pinili ni Hood na huwag nang tumuloy sa Pilipinas at mag-stay na lang sa Amerika habang hinihintay ang offer galing sa ibang NBA teams.
“Nag-usap na nga sila via video call kasama mga coaches,” ang sabi ni team manager Gee Abanilla. “Pero nag-usap rin silang mag-asawa at napagdesisyunan nila na manatili na muna siya sa Amerika kasi maliliit pa mga anak niya at first time niya kung sakasakali na maglaro overseas.”
Samantala, hindi na pinatuloy ng Rain or Shine sa Pilipinas si Nick Evans na naglaro para sa koponan sa nakaraang William Jones Cup.
Ayon kay Caloy Garcia, head of basketball operations at assistant coach ni Yeng Guiao sa Rain or Shine, naghahanap pa rin ang koponan ng bagng ipapalit kay Evans.
“We’re still looking for other prospects,” dagdag ni Garcia. “May mga names kaming tinitingnan, pero wala pa kaming napipili.
Para naman kay Guiao, wala silang nakikitang problema kay Evans, pero ayaw rin nilang maging dahilan sila na mawala ang oprtunidad niyang makapaglaro sa ibang bansa kung saan may offer sa kanya para maging import ng ibang koponan.
“Mahirap naman na mayroon siyang offer sa iba tapos sa amin, wala pang kasiguraduhan kung makakalaro na siya dahil pinagpipilian pa namin yung mga imports na puwede naming palaruin sa Commissioner’s Cup,” dagdag pa ni Guiao. “Ang mahirap kasi sa mga offer na ganyan, bihira lang dumating yan, so kinakailangan niya talagang kuhain ito.”