Parang papel ng public enemy No.1 ang ginagampanan ni Chot Reyes sa dami ng ibinabatong hindi magandang mensahe at pagbo-boo sa kanya sa bawat laro ng kanyang koponan.
Pagmamahal at suporta sana ang ating inaasahan sa ating national team na lumalaban sa pinakamalaking basketball event sa buong mundo – ang FIBA World Cup – pero tila hindi ganito ang nakukuha ni Reyes sa ating mga kababayan na baliw na baliw sa basketball.
Imbes na palakpakan kasama ang ating buong koponan, tila sagad sa buto ang pagkamuhi nila sa tuwing babanggitin ang pangalan nito o ipapakita sa giant screen.
Nakakaawa ang sitwasyon ni Reyes na ginagawa naman ang kanyang makakaya para gabayan ang Gilas Pilipinas, pero parang marami rin ang kapos sa pangunawa.
Kaya naman dumepensa kaagad ang mga players ng Gilas na sina Kiefer Ravena at NBA star Jordan Clarkson dito.
“I know it’s been happening, but I’m gonna play for my coach until the wheels fall off. This is something I have to lead by example — me, Japeth, and most of the guys that has been here,” ang sabi ni Ravena.
Malalim ang pinagsamahan ni Reyes at ang pamilya ni Ravena.
Ang ama ni Kiefer, si Bong Ravena, ay dating player ni Reyes sa old Purefoods franchise at nagawa nilang manalo ng championships.
Si Kiefer naman ay matagal-tagal na ring player ni Reyes simula pa noong hinawakan ng beteranong coach ang Gilas.
“That wasn’t the first time that’s happened, diba? Parang alam niyo naman yun. Pero lalaban kami. Again, we have to use this crowd as an advantage, not a disadvantage diba? Yun naman ang pinaka-rason kung bakit natin dinala itong event na to dito,” dagdag pa ni Ravena.
Ayon kay Ravena, gagawin nilang malaking motivation ito para sa mga susunod pang laro.
“So yun lang, kailangan namin ma-flip yung script na gawin namin siyang advantage kesa yung kabahan kami, di kami nakakapaglaro ng maayos kasi naririnig namin kung ano yung ginagawa ng crowd,” sabi ni Ravena.
“Pero at the end of the day, nagpapasalamat parin kami sa mga sumusuporta pero, sana, you know, from this stage on, malapit na rin naman matapos, suportahan niyo na lang kami.”
Para naman kay Clarkson, hindi niya maintindihan ang
“I’m trying to figure out the situation what’s this for. I guess it’s weird because we’re hosting it and it’s being held in the country,” ang sabi ni Clarkson, ang star player ng Utah Jazz. “I don’t know much the situation and it’s weird. It’s something out of the ordinary.”