Isa lamang sa mga banyagang personalidad na nabighani sa Pilipinas ang Japanese model-actress na si Maria Ozawa.
Una siyang bumisita sa bansa noong 2015 para sa isang cover photo shoot sa June issue ng FHM Philippines at naging tampok sa pelikulang Nilalang kasama ang action star Cesar Montano.
Tubong Hokkaido, Japan, ang ngayo’y 37-anyos na actress-entrepreneur at dahil napamahal na sa kanya ang Pilipinas kaya naman nagtayo siya rito ng negosyong kanyang binabablik-balikan.
Napaulat na narito si Maria Ozawa noong 2022 bilang ambassador ng Mansion Sports Bar, isang bagong club sa Makati na nakapagpagising sa tahimik na bahagi ng Legaspi Village.
Sa ulat ng bworldonline.com noong Enero 2023, may dalawang lounges siya sa Manila; isa sa Makati, at isa pa sa Port Area sa Manila.
Kahit sa Japan ay mayroon din siyang isang bar.
Nagsimula sa kanyang career bilang adult video queen si Maria noong 2005 at naging bukambibig siya ng mga kalalakihang Pinoy noong panahong iyon dahil pinukaw niya ang kanilang seksuwalidad.
Nilisan niya ang industriya noong 2009 at pinasok naman ang mainstream films sa Southeast Asia.
Walang pinagsisihan si Maria sa kanyang naging AV career, aniya, “I’ve accomplished my dream. I know that that industry isn’t an industry that you can do forever. Not for long-term.”
“When I started this, I wanted to be famous, and I wanted to change the inspiration and the thinking about the industry itself. I did — then I won an award,” aniya.
Nag-e-enjoy na sa kanyang estado si Maria at ang huling napabalitang karelasyon niya ay isang Japanese businessman.