Dumulog ang mga medikal na doktor sa Professional Regulation Commission (PRC) sa Paredes St., Sampaloc, Maynila kahapon para dumalo sa pre-trial na pagdinig para sa kanilang reklamong inihain sa Komisyon laban kay Dr. Lorraine Marie T. Badoy dahil sa kanyang malisyosong pahayag laban kay Dr. .Ma. Natividad “Naty” Castro, isang lisensyadong manggagamot at community medical practitioner, sa pamamagitan ng pagtawag kay Dr. Castro bilang aktibong miyembro, recruiter, trainer at fundraiser ng CPP-NPA-NDF.
“Dr. Badoy’s statements pose as threat to the lives, liberty, security and safety of the other licensed physicians and community medical practitioners,”sabi ni Dr. Eleanor Jara, isang community physician at isa sa mga nagrereklamo sa kaso.
Sinabi ng mga doktor na ang mga aksyon ni Dr. Badoy ay sumasalungat sa mga pangunahing prinsipyo ng etika at ang mga propesyonal na responsibilidad ng isang manggagamot sa kanilang mga kasamahan at sa medikal na propesyon.
“By spewing statements teeming with malice and purposely putting the life and safety of a colleague at risk,” dagdag ni Dr. Jara.
“We urge the PRC Board of Medicine to carefully study the facts and act swiftly on our complaint. We call on the PRC to revoke the license of Dr. Badoy and that she be meted the penalties for her unethical and unprofessional conduct of a physician in violation of the provisions of the Revised Code of Ethics of the Philippine Medical Association (PMA) and the PRC,” aniya.
Ang ‘paranoid delusions’ ni Dr. Badoy ay hindi lamang naglalagay sa panganib sa kapwa propesyonal ngunit nalalagay sa panganib ang buhay at kaligtasan ng mga pasyente dahil ang kanyang mga pahayag ay lumilikha ng klima ng takot sa mga medikal na komunidad at negatibong nakakaapekto sa mga pagpili ng mga doktor na maglingkod sa malayong lugar at mga komunidad na mahina.
Sinabi ng mga doktor na dapat magawa ng mga doktor ang kanilang propesyon nang may karangalan at walang takot na gantihan sa paglilingkod sa sangkatauhan.