Gusto pa ring ituloy ni Judy Ann Santos ang pelikulang Mrs. Winters na pagsasamahan nila ni Sam Milby.
Naudlot ang shooting ng pelikulang ito na dapat ay kukunan sa Canada.
“Sa visa ko nagkaproblema. And then naubusan na kami ng winter. So, kung pinush through na namin siya ng May or June, Mrs. Autumn na siya o Mrs. Summer na siya.
“So, mawawala na yung essence ni Mrs. Winters,” pahayag ni Judy Ann nang nakapanayam namin siya sa press launch ng bagong endorsement niyang Alaska Milk na ginanap sa Blue Leaf Events Place, sa BGC, Taguig, nitong Biyernes, Agosto 25, 2023.
Naka-commit na raw siya sa film project na ito na pagsasamahan nila ni Sam kaya gagawin pa rin daw niya kapag maayos na ang requirements, at meron lang snow sa kanilang location.
“So, I think at some point we’ll just wait for the next winter to come. And hopefully, by that time makalabas na yung visa ko. Kung hindi pa, hindi pa alam kung ano yung next step.
“Pero kasi with global warming hindi mo na talaga masabi kung kailan na ba talaga may snow,” sabi pa ni Juday.
Basta tinitiyak ng Kapamilya actress na gagawin niya ang pelikulang ito.
“Committed pa rin naman. Hindi pa rin naman ako… hindi naman ako puwedeng bumack-out dahil nagsabi na kami, nag-announce na kami and I gave them my word.
“Kung hindi man siya matuloy, I promise na hindi ako yung magiging dahilan,” pahayag ni Juday.
(pep.ph)