Inulan ang unang araw ng balik eskwela ng ilang mga paaralan sa bansa kung saan may mga nagsuspende kaagad ng klase bagaman hindi pa nagsisimula ang sy 2023-2024 dahil sa sama ng panahon.
Sa panayam ng Brigada ng kay Dir. Edgar Posadas, Spokesperson ng Office of Civil Defense (OCD), sinabi nito na nagkansela ng klase ang siyam na mga siyudad at Munisipalidad ngayong araw dahil sa epekto bagyong Goring habang may 4 na mga paaralan ang nagsilbing evacuation area pa rin.
Dagdag naman ni Dir. Posadas, hindi tumitigil ang national government sa pag-iisip ng paraan para maging ligtas ang lahat sa oras ng sakuha at hindi rin naisasanggalang ang klase sa mga paaralan kagaya na lamang ng planong relocation sa mga scholls na prone sa baha.
Samantala, binigyan diin naman ng opisyal ng OCD na isa sa goal ng kasalukuyang administration ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagsasagwa ng mga Disaster-Resilient Evacuation.