Pinaiimbestigahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang Quezon City Police District (QCPD) at Galas Police Station.
“I feel yung QCPD has had some lapses. Meron silang mga pagkukulang, may mga dapat ginawa na hindi ginawa,” anang alkalde sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.
“Nakagugulat na tinutukan ka ng baril pero mag-aareglo ng ganun -ganun lang,” sabi ni Belmonte.
Nauna rito’y itinanggi ng Department of Justice (DOJ) na konektado sa kagawaran si ex-PO1 Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na namalo at nanutok ng baril sa isang siklista.
Kinasuhan ng Philippine National Police (PNP) ng alarm and scandal si Gonzales, pero si QCPD Director B/Gen. Nicolas Torre III na nagbanta sa social media laban kay Gonzales, wala pa ring aksyon ang PNP.
Nagsampa na ng reklamong alarm and scandal ang QCPD Station 11 (Galas) laban sa motoristang nanutok ng baril sa siklista, ayon kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr.
Batay sa Republic Act. 11926 o An Act Penalizing Wilful and Indiscriminate Discharge of Firearms may parusang “ arresto menor or a fine not exceeding Forty thousand pesos (P40,000) ang parusa napatunayang nagkasala ng alarm and sscandal.
Inaalam din ng PNP sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) kung rehistrado si Gonzales na magbigay ng VIP security sa isang hindi tinukoy na personalidad, ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo sa Laging Handa Public Briefing kanina.