Nagsimula nang maghain ng kanilang COCs ang mga aspiring candidates para sa nalalapit na BSKE mula sa 10 EMBO nitong Lunes, August 28,2023.
Ayon kay Commission on Elections Chairperson George Garcia, ang mataas na turnout ng candidates sa Taguig Convention Center sa unang araw ng filing ng COCs ay nagpapatunay na marami ang kumilala sa deklarasyon ng poll body na ang Taguig City ang may jurisdiction ng Cembo, Comembo, Pembo, East Rembo, West Rembo, South Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside at Rizal.
Sinabi ni Garcia na sila ay nagpapasalamat dahil nilipat na ang filing of certificate of candidacy sa Taguig kung saan sinadya pa talaga ng mga aspiring candidates na mag-file ng kanilang certificates of candidacy.
Ayon kay Taguig City Election Officer Edgar Aringay naging maayos ang filing ng COC kahapon.
Sinabi ni Aringay na magkakaroon ng pagbabago sa mga precinct numbers para sa nasabing mga barangays, voting centers at classrooms kung saan ang mga EMBO barangays na dating bumoboto.
Maari naman i-check ang precinct numbers para sa bawat barangay sa Comelec-Taguig.(BR)