May 200 kilo ng shabu na nakabalot sa mga pakete ng tsaa ang nakita ng mga awtoridad sa isang kotse na anim na araw nang nakaparada sa open parking area ng isang mall sa Mabalacat, Pampanga.
Sa ulat sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabi ni Atty. Ross Jonathan Galicia, hepe ng Task Force Against Illegal Drugs ng National Bureau of Investigation, na nagkakalaga ng P1.4 bilyon ang naturang droga.
Nakita ang susi ng sasakyan na nakadikit sa side mirror ng kotse na nakatupi.
Ayon kay Galicia, lumilitaw na bago pa lang naiibenta ang naturang sasakyan, at pinaniniwalaang ibibiyahe sa Metro Manila.
Ikukumpara umano ang mga nadiskubreng shabu mula sa mga droga na dati nang nakumpirsma para malaman kung saan ito nanggaling.
Susuriin din ang mga CCTV footage na maaaring makatulong upang matukoy kung sino ang nagmaneho at nag-iwas ng sasakyan.