Bagaman dalawang sunod na pagkatalo na ang inabot ng Gilas Pilipinas sa kamay ng kanilang mga nakahanay na bansa, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang National Team na makausad sa ikalawang elimination round.
Ayon kay Gilas Head Coach Chot Reyes, ang focus sa susunod na game na ang kanilang pagtutuunan matapos ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo.
Sa kasalukuyan kasi, tanging ang Gilas na lamang ang walang panalo sa Group A.
May tyansa pang makausad ang Gilas sa susunod na elimination kung mangyayari ang mga sumusunod:
Una, kailangang maipanalo ng Gilas ang susunod nilang laban kontra Italy(10).
Pangalawa, kailangang talunin ng Dominican Republic ang koponan ng Angola sa kanilang nakatakdang laban bukas.
Kung mangyayari ito, malalagay ang tatlong mga bansa, Pilipinas(40), Angola(41), at Italy(10) sa 3 – 1 series, kung saan kailangang muling maglaban-laban upang makita kung saan sa kanila ang aabanse sa ikalawang round.
Kung hindi naman mangyayari ang kahit isa rito, tiyak na mabubura na ang tiyansa ng bansa na uusad sa ikalawang round ng pinakamalaking basketball tournament sa buong mundo.