Muling tatakbo ang billionaire founder ng Foxconn na si Terry Gou bilang independendent presidential bet sa Taiwan elections sa Enero 2024.
Ang Foxconn ang pinakamalaking contract producer ng electronics sa mundo, kabilang ang para sa mga iPhone ng Apple.
Matagal na siyang may ambisyon na maging pinuno ng Taiwan ngunit nabigo siya ngayong taon na maging standard bearer ng opossition party na Kuomintang.
“I have decided to join the 2024 presidential race,” sabi ni Gou sa isang press conference.
“I implore the people of Taiwan to give me four years. I promise that I will bring peace to the Taiwan Strait for the next fifty years and lay the deepest foundation of mutual trust between the two sides.”
Itinuturing ng China ang Taiwan na teritoryo nito, na kukunin isang araw sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.
Si Pangulong Tsai Ing-wen, na magtatapos sa kanyang ikalawa at huling termino, ay tumangging tanggapin ang posisyong iyon at pinalakas ng Beijing ang diplomatiko at militar na pressure sa Taiwan mula nang siya ay manungkulan noong 2016.
“The Democratic Progressive Party has been in power for more than seven years, and it has brought the danger of war to Taiwan,” ani Gou na tinukoy ang partido ni Tsai.
Sinabi niya na “hindi niya hahayaan ang Taiwan na maging susunod na Ukraine”, na tumutukoy sa patuloy na pagsalakay ng Russia.
Ngunit ang Foxconn ni Gou ay nagtayo ng malalaking pabrika sa China, at ang mga kritiko ay nagpahayag na siya ay may komportableng relasyon sa pamunuan sa Beijing.
Noong 2019, bumaba siya bilang pinuno ng Foxconn para sa isang nabigong pagtakbo sa pagka-pangulo.
Nang tanungin noong Lunes tungkol sa kanyang mga link sa gobyerno ng China dahil sa malawak na pamumuhunan ng Foxconn sa mainland, sinabi ni Gou na hindi siya kasali sa pamamahala ng kompanya sa loob ng apat na taon.
“I have never been under the control of (the Chinese Communist Party)… I will not be threatened,” sinabi niya sa mga mamamahayag.
Nangangailangan ng 290,000 pirma upang maging kuwalipikado si Gou bilang isang independiyenteng kandidato.
Nitong mga nakaraang buwan ay nagdaos siya ng mga kaganapang tulad ng kampanya sa buong Taiwan, tulad ng pagpupulong ng mga rally sa iba’t ibang pangunahing lungsod at paggunita sa mahahalagang anibersaryo.
Pinili ng Kuomintang si Hou Yu-ih, isang dating hepe ng pulisya na ngayon ay alkalde ng New Taipei City, bilang kandidato nito para sa halalan sa 2024.
Ang kinatawan ni Tsai, si Bise Presidente Lai Ching-te, ay ang kandidato ng DPP at ang kasalukuyang nangunguna sa mga botohan.