Mataas ang kumpiyansa ng Choco Mucho sa parating na third conference ng Premier Volleyball League matapos ang solidong kampanya sa VTV Cup sa Vietnam.
Sa pangunguna ng high-flying power-hitter na si Sisi Rondina muli itong pumailanglsng para giyahan ang volleybelles ng Chocho Mucho.
Pinangunahan ni Rondina ang Flying Titans sa kanilang pagkopo ng bronze medal matapos talunin ang Kansai University ng Japan, 25-20, 23-25, 25-13, 25-18, kamakailan sa Lao Cai.
Tila nagsilbing mitsa sa koponan ang masamang tawag ng umpire at sa pinagsamang pwersa nina Des Cheng, Maddie Madayag, Cherry Nunag and Caitlyn Viray para alalayan si Rondina, nagawang maibalik abg sigla ng Choco Mucho.
Tinalo ng Flying Titans sa ikalawang pagkakataon ang mga Hapon.
Noong isang Linggo, nagawa ring magwagi ng Pinay volleybelles, 25-17, 25-23, 19-25, 25-22.
Para sa Choco Mucho, magandang karagdagan sa kanila sina Rondina at Madayag na pawang napabilang sa VTV Cup Dream Team.