Inamin ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na sampung beses na mahirap patakbuhin ang ahensiyang kanyang pinamumunuan kumpara noong siya ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa mga depekto nito.
Ito ay sa dahilang mayroong structural, cultural at organizational defects and BuCor kaya’t kapag nag-utos siya ay kailangan niyang subaybayan ito hanggang sa ibaba upang masigurong matutupad.
Ito naman ay kabaliktaran sa AFP dahil ang liderato nito ay mayroong chain of command kaya’t kapag nag-utos siya ay umaabot ito hanggang sa platoon commander kaya naipapatupad agad.
Ito ang sinabi ni Catapang sa panayam sa The Chiefs sa One News at aniya, “Tatlo po yan: structural, kulang facilities; organizational, kulang ng leadership and chain of command; and then cultural, yung vicious cycle of negligence.”
Dahil sa ito ay naging kultura na sa loob ng BuCor at lahat ngpenal farms andcolonies kailangan aniyang magkroon ng short term, medium term at iba pang pangmatagalang plano para lamang magkaroon ng tunay na reporma sa ahensiya.
“I cut across. Kaya nga sabi ko, meron akong short-term – yung quick wins, meron akong medium term, eto pinresent ko na kay Presidente ang aking plano sa BuCor,” ani Catapang.
Binigyang diin ni Catapang na ang problema sa loob ng BuCor ay kanyang namana dahil na rin sa siya agad ang pinakamataas na pinuno nito kaya ang sabi aniya ng prison reform expert na si Professor (Raymund) Narag tatlo ang depekto na kanya nang binanggit.
“Tatlo yan: structural – kulang ang facilities, organizational – flat po yung organization namin. Wala kaming officer corps eh. Out of the 6,000, 7,000 plus, o magiging 9,000 kami next year, ang officer corps namin 150 lang. So talagang flat na flat siya,”” ani Catapang.
Paliwanag ni Catapang ang istruktura ng BuCor ay siya ang nasa itaas at meron kolonya na ang tawag ay prison andpenal farms at lahat merong commanders ngunit ang galaw sa National Bilibid Prison ay siya pa ang gumaganap na umano ay mali.
Ang mga commander aniya ang dapat na nagpapatakbo pero ang siste dahil sa hindi malinaw ang istruktura at walang chain of command ay siya mismo ang dapat pang gumalaw.
Dahil sa ganitong sistema ang tulong ng mga gang leaders ay kinukuha para madisiplina ang mga preso ngunit ito ang isa sa mga problema para mareporma ng husto ang Philippine penal system.
Ito ang naging vicious cycle dahil nagkakaroon ng utang na loob ang Bucor kaya bilang ganti ay nabibigyan sila ng kaunting kalayaan o kapangyarihan sa loob ng kulungan.