Kuwestiyon ngayon kung papatok ba ang comeback film ng aktres at entrepreneur na si KC Concepcion na “Asian Persuasion.”
Noong 24 Agosto, nag-post ang aktres ng kanyang litrato na iniimbitahan ang kanyang fans na may caption: “Calling all my loves from the USA & Philippines! Time to SAVE THE DATES!!! I’m back in Manila to unveil a surprise: my brand new indie! Get ready for a feel good rom-com!”
Iikot ang kUwento ng nasabing pelikula sa isang underachiever na gumawa ng isang kakaibang plano upang maiwasan ang mga obligasyong pinansyal sa kanyang ex-wife na isang fashion executive.
Kasama niya rin dito ang ilang mga American artists tulad ni Dante Basco at Geneva Carr sa direksyon ni Jhett Tolentino.
Ipapalabas ito sa ika-16 ng Setyembre sa New York City at 27 Nobyembre sa Pilipinas.
Huling TV appearance ni Concepcion ay noong 2016 bilang host ng Binibining Pilipinas pageant at ang kanyang huling pelikula pa ay “Boy Golden: Shoot to Kill” noon taong 2013.
Napabilang siya sa 2014 FAMAS Awards at tinalo ni Concepcion ang siyam pang aktres para sa Best Actress award, kabilang sina Lorna Tolentino, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Toni Gonzaga.