Tatlo ang patay matapos pagbabarilin ng isang lalaking ‘Puti’ na namumuhi sa lahing ‘Black’ sa isang discount store sa Florida kahapon at matapos ay nagbaril sa sarili.
“He targeted a certain group of people and that’s Black people. That’s what he said he wanted to kill. And that’s very clear,” sabi ni Jacksonville Sheriff TK Waters sa isang pulong balitaan.
Ayon sa sheriff’s office, ang namaril, na hanggang ngayo’y hindi pa nakikila ay pumasok sa isang Dollar General store nakasuot ng tactical vest, armado ng AR-style rifle at isang handgun.
Batay sa mga manifesto na natuklasan ng pamilya ng gunman, nakadetalye ang “disgusting ideology of hate,” sabi ni Waters at isa sa mga baril ay may makaukit pang mga swastika.
Naganap ang pamamaril malapit sa Edward Waters University, isang Black college sa southern US state.
Nabatid sa unibersidad na ang gunman ay nagpunta sa campus bago nagtungo sa Dollar General Store ngunit walang sinaktan.
“An on-campus Edward Waters University security officer engaged an unidentified male in the vicinity of the Centennial Library on campus,” anang kalatas ng university.
“The individual refused to identify themselves and was asked to leave.”
The university added that the individual — later identified as the shooter — left “without incident.”