Nanawagan si Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes Jr. sa Quezon City Police District (QCPD) na pag-aralan muna ang batas at iwasan ang katangahan upang mabigyan katuwiran ang pasismo laban sa mamamayan.
“The QCPD is urged to first study the law and to refrain from self-imposed ignorance just so it can justify fascism against the people,” sabi ni Reyes sa kanyang paskil sa Facebook.
Hindi aniya nilulubayan ng QCPD ang paghahain ng mga nakakahiyang kaso para lamang gipitin ang mga aktibista.
“They filed a case vs 14 activists, mostly members of Bayan Southern Tagalog, for violations of BP880. Wala daw permit sa rally. For the infomation of the QCPD, Bayan ST is an affiliate of Bayan which was granted a permit last July24.,” ani Reyes.
“The document is quite clear and it covers the pocket activities leading up to the main SONA protests. The case is thus baseless and is again part of the ongoing harassment by the QCPD against activists and dissenters,” dagdag niya.
Para kay InfraWatch convenor Atty. Terry Ridon, walang probisyon sa Clean Air Act na nagbabawal sa pagsusunog ng effigies , lalo na’t kapag ang aksyon ay may kaugnayan sa pagsusulong ng karapatan sa malayang pagpapahayag.
Sinampahan ng QCPD kamakalawa ng anila’y mga paglabag sa The Clean Air Act ang mga aktibistang nagsunog sa effigy ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Commonwealth Ave., Quezon City noong 24 Hulyo 2023.
“There is nothing in the Clean Air Act which prohibits the burning of effigies, most particularly when the act is in pursuit of the right to free expression.,” ani Ridon sa isang kalatas kahapon.
Ang labag aniya sa CAA ay ang pagsunog sa basura sa pamamagitan ng incinerators, at hindi ang uri ng ginawa sa effigy na naaayon sa “free speech and right.”
“What is expressly prohibited by the CAA is the burning of waste through incinerators, and not this type of burning which is well within the right to free speech and expression.”
Habang ang Republic Act (RA) 9003, o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay itinuturing na paglabag ang pagsunog sa open area ng solid waste.
“On the other hand, RA 9003 prohibits is the open burning of solid waste.,” paliwanag ni Ridon.
Sa kahit anong pagkakataon, ang likhang sining gaya ng effigies ay hindi puwedeng ikonsiderang solid waste dahil tumutukoy ito sa “all discarded household, commercial waste, non-hazardous institutional and industrial waste, street sweepings, construction debris, agricultural waste, and other non-hazardous/non-toxic solid waste.”
“There needs to be a showing that the burning incident refers to the open burning of non-hazard, non-toxic waste, not non-hazard, non-toxic materials,” wika ni Ridon.
Inihayag kamakalawa ni QCPD Director P/Brig. Gen. Nicolas Torre III na base sa imbestigasyon ng District Anti-Cybercrime Team (QCDACT) si Max Santiago, miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan at tatlong iba pang kasamahan na hinbdi pa tukoy ang pangalan, ang nagsunog sa effigy ni Marcos jr.
Sinabi ni Torre na isang kaso ang inihain para sa paglabag sa Section 48, paragraph 3 ng R.A. 9003 at R.A. 8749 sa Quezon City Prosecutor’s Office noong 7 Agosto laban kay Santiago at tatlong kasamahan.
Nauna nang kinasuhan ng QCPD nang paglabag sa Public Assembly Act of 1985 ang mahigit 12 rallyesta sa kawalan ng mga permit mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Ani Torre, nahaharap ang 14 na aktibista sa paglabag sa Section 13 (a) ng Batas Pambansa Bldg. 880 o ang Public Assembly Act of 1985.