Inihayag ng Department of Justice (DOJ) kahapon na nagsampa na sila ng mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder laban sa pinatalsik na mambabatas na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Inaasahan ng DOJ na maglalabas ng warrant of arrest laban kay Teves sa patayan noong 2019 at sa pagpaslang kay Degamo, ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB.
Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, naghain na ng mga kaso ang piskal laban kay Teves sa Manila Regional Trial Court dalawang linggo ang nakakaraan.
“Cases for murder, frustrated murder and attempted murder have been filed against Arnolfo Teves Jr. two Fridays ago, before the RTC of Manila as far as the Degamo cases are concerned,” aniya.
Habang ang mga kasong murder na nangyari noong 2019 ay isinampa laban kay Teves sa Bayawan, Negros Oriental noong nakalipas na linggo.
Ngunit ang DOJ ay nais na ilipat ang mga kaso sa Manila, sabi ni Clavano.
“As for the 2019 murder cases are concerned, the cases have been filed already in Bayawan, but we are seeking the transfer of those cases to Manila para lahat dito gagawin ,” dagdag niya.