Muling sasabak ang Gilas Pilipinas team bilang paghahanda sa palapit na Asian Games sa Hangzhou, China sa pakikipaglaban sa mga teams sa South Korea, Japan at Australia.
Ang mga Pinay ballers ay haharapin ang koponan ng Hana 1Q sa Lunes sa kanilang sagupaan sa Park Shin-Ja Cup, isang invitational tournament na inorganisa ng Women’s Korean Basketball League aa Cheongju, South Korea.
Kokonti lang ang panahon ng Gilas women’s team na makapaghanda torneo kung saan dumating aila rito sa Korea nito lamang Biyernes.
Papagitna ang mga Filipinas kontra sa Hana 1Q sa ganap
Na 2 p.m. (1 p.m. sa Manila) kung saan inaasinta ng mga bata ni coach Patrick Aquino ang magandang kampaya bilang paghahanda sa papalapit na Asiad na gagawin mula 23 Setyembre hanggang 8 ng Oktubre.
Pangungunahan ng mga premyadong players gaya nina Jack Animam, Afril Bernardino at Janine Pontejos ang kampanya ng Gilas women’s.
Kabilang rin sa naturang koponan sina Fil-Am dead shot Gabi Bade, anak ng dating PBA at MBA player na si Cris Bade, at naturalized player Malia Bambrick, isa sa mga pambatong players ng Long Beach State sa US NCAA Division 1 school.
Pero mas palalaskasin ng Gilas ang kanilang koponan sa muling pagsali nina Chak Cabinbin, Trina Guytingco at Stephanie Berberabe.
Ang Hana 1Q, isang team na galing sa Bucheon ay apat na beses na nag-kampeon sa WKBL.
Pangungunahan ang koponan nina Mi-Yeon Kim, Chae Eun-Lee at FIBA Asia Cup campaigner In-Young Yang.
Si Yang ay 6-foot-1 center na naglaro sa Korean women’s national team ng ilang beses.