Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Si MGen. Steve Crespillo bilang 17th Commander ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon sa Department of National Defense kahapon.
Si Crespilllo ay miyembro ng Philippine Military Academy’s “Bigkis Lahi” Class of 1990.
Nagsilbi rin siya bilang Vice Commander ng Philippine Army (PA).
Dati siyang Commander ng 501st Infantry Brigade, ang pangunahing tropa na nagsusumikap na wakasan ang local communist armed conflict sa Apayao at Cagayan.
Naging Chief of Staff at Assistant Division Commander for Reservist and Retiree Affairs ng 6th Infantry Division, at acting commander ng 601st Infantry Brigade.
Si Crespillo ay dati rin naitalaga sa Wesmincom bilang Chief of the Unified Command Staff na nangangasiwa sa mga operasyon ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, and the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.