Na-repatriate na ang nasa kabuuang 100 overseas Filipino workers mula Kuwait ngayong araw ng Sabado.
Kinumpirma ito ni Overseas Workers Welfare Association (OWWA) Administrator Arnaldo Ignacio na kasama sa mga sumalubong sa mga OFW na dumating sa may Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ito ay bahagi pa rin ng repatriation program kasabay ng pangako ng OWWA at Migrant Workers Office na tulungan ang mga Pilipino na nangangailangang ma-repatriate.
Una ng napauwi sa bansa ng ligtas ang nasa 20 OFW noong Agosto 21 at panibago pang grupo ng 50 OFWs noong Agosto 25.
Dito, binigyan ng assistance ang mga OFW pagdating sa pagkain, hotel accommodations at transportasyon pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya at binigyan din ng tulong pinansyal.