Idolo yata ng misis ng isang kontrobersyal na opisyal ng gobyerno si Doña Cielo sa matatapos ng teleseryeng “Dirty Linen.”
Ang donya-donyahang esmi ng gov’t exec ay halos mabali ang braso sa bitbit na handbag na ang tatak ay nagsisimula sa letrang H.
Kaya to the rescue ang kanyang julalay para hindi masaktan ang braso ni Ma’am.
Ngunit laking gulat ng julalay na sinabihan siya ni Ma’am, “ Oh bitbitin mo ang bag ko para minsan man lang sa buhay mo ay nakahawak ka ng mamahaling H bag.”
Marami ang nakarinig sa pangmamata ni Ma’am sa kanyang julalay kaya’t naiiling na lamang sila.
CLUE:Esposo niya ang takbuhan ng mga luhaan tuwing halalan.
Lagi siyang laman ng balita dahil sa mga letrang Ip as in Internet Protocol.
“Mabuti pa ang internet may protocol, si Ma’am, wala hahaha,” sabay-sabay na halakhak ng mga Mimosa sa Barangay.
‘Yun na!