Itinago ng aktres na si AJ Raval sa kanyang ama, ang beteranong aktor at action star na si Jeric Raval ang kanyang mga pelikula sa Viva Films.
Ayon sa kanyang ama sa isang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong 23 Agosto, hindi niya suportado ang mga sexy projects kaya ito tinago ng kanyang anak.
“Kaya lang, nandiyan na, wala na ako magawa,” aniya,
Inamin din ng action star na naimbitahan siya sa screening ng pelikula ng anak at nagwalk-out siya noong papalapit na ang intimate scenes.
Paliwanag niya, hindi niya ito kayang panoorin kaya siya’y gumawa nalang ng palusot para makalabas.
“Lumabas ako, sabi ko nalang nag-ring yung phone ko. Pero ang totoo non, hindi ko kayang panoorin. Maski hindi totoo, alam naman nating kunwari lang ‘yon.”
Si AJ Raval ay isang ring social media star, at YouTube vlogger sa Pilipinas. Ang aktres ay lumabas sa ilang mga pelikula na ginawa ng VivaMax.