Umiingay na naman ang usapin kaugnay sa malaking on-going reclamation project na isinasagawa sa Manila Bay ng mga developer at contractor nito itong nakaraang buwan.
Isa sa nakakarap nilang problema ay ang LGU Manila dahil na rin sa pagkukulang nitong maki pag ugnayan kung saan napahayag ang pag palag ni Mayor Honey Lacuna dahil sa hindi pagtupad sa mga tinakdang kundisyones ng kontrata umano nila plastic king William Gatchalian at Wilson Tieng at ang kontrobersyal na contractor na si Jesusito “Boyet” Legaspi dahil sa kabiguan na ipa batid sa city hall ang kanilang reclamation projects sa lungsod.
Tatlong kompanya ang sinita ng tanggapan ni Lacuna mula kay Gatchalian ng Waterfront Manila Premier Development; sa Manila Goldcoast Development ng magkapatid na Tieng; at sa JBros Construction ni Legaspi, na wala umanong official endorsement mula sa city hall.
Malinaw naman na ayon sa kontrata dapat ay kinikilala nito ang kapangyarihan ng punong ehekutibo ng Maynila lalo’t higit sa ganyang malakihang proyekto na kailangan merun din superbisyon ang pamahalaang lokal para masiguro kung nasusunod ang mga engineering safety condition dahil hindi biro ito.
Inaasahan na magsasagawa ng hearing ang Senate committee on Environment and Natural Resources na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar upang malinawan ang kasalukuyang sitwasyon.
Unang naiulat ang labas ng order galing kay President BBM na suspindihin ang naturang project upang rebyuhin ng DENR.
Ang pagka dismaya ng pamahalaang Maynila ay naihayag sa mga lumabas na balita at kung saan sinang ayunan naman ni Mayor Honey Lacuna ang hakbang ng Palasyo.
Ayon sa tanggapan ni Mayor Honey ay wala pa silang natatanggap na imbitasyon mula sa senado kaugnay sapagdinig ng usaping Manila Bay reclamation.
Mabuti na rin sakaling magsagawa ng public hearing sa naturang proyekto upang malinawan kung saan at ano ang pagkukulang sa panig ng mga developer contractor.
Kailan lang ay nagpahayag si dating Manila Mayor Lito Atienza kaugnay sa pagtutol niya na anumang klaseng reclamation sa Manila Bay dahil isa itong attraction ng Maynila at siya na rin ang nagsabi na kaisa niya si Mayor Honey sa pagtutol sa kasalukuyang ginaganap ng pagtabon ng lupa sa dagat ng Manila bay na tanging emoji reaksyon ang tinugon ni Lacuna na “smile.”