Hindi lamang napalinya si Caloy Loyzaga sa hilera ng mga all-time greatest players sa buong mundo na nagselyo sa kanya bilang pinakamagaling na Pinoy player, nabigyan rin siya ng prebilehiyo na maitabi sa itinuturing na GOAT (Greatest Of All Time) ng National Basketball Association — si Michael Jordan.
Sa isang pambihirang pagkakataon, si Loyzaga lang ang tanging player na pinayagan ng Air Jordan brand na magkaroon ng sariling linya ng sapatos kung saan makikita ang anino ni “The Big Difference.”
Pinayagan rin ng Jordan brand na magamit ang sarling numero ni Loyzaga sa idinesenyong sapatos ng kanyang apo na si Chi Loyzaga-Gibbs kung saan makikita rin sa Air Jordan 2 na distributed ng Titan.
“Pinayagan na magamit yung numbers of my dad, numbers 14 and 41,” ang sabi ni Bing. “Yung silhouette rin sa shoes, it was also allowed, so we’re very grateful for this great opportunity.”
Ang mga nasabing numero ay siya ring numero na ginamit ng kanyang mga anak na si Chito at Joey Loyzaga noong naglalaro pa sila sa Philippine Basketball Association.
Dagdag pa ni Bing, hindi niya inaasahan na matutuloy pa ang proyekto dahil noon pang 2020 sila nakikipag-usap para dito.
Noong isang taon lang nakumpmeto ang proyekto at timing naman ito dahil kamakailan lang ay bingyan ng parangal si Loyzaga ng FIBA at mapabilang sa Hall of Fame.
Kumpleto ang pamilya ni Loyzaga — ang kanyang butihing maybahay na si Victoria — mga anak na sina Chito, Joey, Bing at kapwa artistang si Teresa at Princess ay naroroon para saksihan ang parangal kay King Caloy.