Isang senyales ang hinihintay ni Makati City Mayor Abby Binay para magdesisyon kung siya ay tatakbong alkalde ng Taguig City sa 2025 o hindi.
Ito ang binigyang diin ng mayora bilang tugon sa tanong kung siya ba ay merong planong tumakbo sa Taguig City upang mabawi ang 10 enlisted mens barrio (EMBO) na naunang ibinigay ng Korte Suprema sa Taguig sa final and executor decision nito.
“Hindi pa po ako nakakapagdesisyon sa bagay na iyan dahil magiging mabigat at mahirap na task para sa akin iyan. Una hindi ako pamilyar sa Taguig. Pero kung magkakaganun marami po tayong maibibigay sa Taguig,” ayon kay Binay sa programang Big Story sa One News kamakalawa.
Ayon sa mayora ng Makati noong 2016 ay wala na siyang planong tumakbong alkalde ng lungsod at ready na siyang magretiro makaraang tapusin ang tatlong termino bilang isang kongresista.
“In 2025? I don’t have a plan. I have no plan, but now I have to keep my options open or consider it. Pero ayaw ko pong magsalita nagtapos it is only 2023 marami pa pong puwedeng mangyari,” ayon kay Binay.
“I have one year to decide, I know I am waiting for a sign, ah residents want me to fight or run as mayor of Taguig,” dagdag ni Binay.
Paliwanag ni Binay hindi naman siya magpapasyang tumakbo kung wala siyang makikitang malaking tsansang manalo sa pagtakbo sa kabilang lungsod.
“Of course hindi naman ako decide if I cannot see that I don’t have the fighting chance. But I am getting so much pressure from the residents of EMBO,” aniya.
Dagdag pa nito ang sentimyento ng EMBO ay, “the feeling of helplessness in the area is very apparent they think I am the solution to their problem pero may paraan pa naman na iba like plebiscite. But running in Taguig is one of our option.”
Muli sinabi ni Binay na hindi puwedeng walang writ of execution katulad ng sinasabi ng pamunuan ng Taguig dahil kailangan masagot ang mga tanong patungkol sa takeover ng teritoryo.
Ang isa sa mga tangong ni Mayora Abby ay noong nagtransfer ang Comelec ng mga residente ng EMBO sa Taguig paano na umano ang kanyang nakaupong konsehal sa apektadong lugar.
“Actualy hindi puewdeng walang writ. When comelec transfer residence what will happen now to my sitting councillor what will happen now, explain it? Then if I am a resident of one of the EMBO that does mean I am no longer a mayor of Makati?
Dapat aniyang sagutin ito upang malinawan ang lahat ng bagay patungkol sa territorial jurisdiction sa pagitan ng Makati at Taguig.