Bukas ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa mga bagong miyembro na nais sumapi at gustong tumulong sa pamahalaan.
Ito ang binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ng tanungin ito hinggil sa kanilang partido.
Ayon sa Chief Executive welcome ang sinuman o alinmang partidong political na gustong tumulong sa gobyerno.
Sinabi ng Pangulo na ang politika ay isang laro ng pagdaragdag o game of addition.
Kung sino aniya ang handang suportahan ang mga isinusulong na magagandang patakaran, at mga programa ng pamahalaan at handang sumuporta sa kanilang mga kandidato sa darating na midterm elections sa 2025 at national elections sa 2028 ay kanila itong tatanggapin.