Nagbahagi ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) ng mga learner kits sa mga mag-aaral ng Odiongan, Romblon.
Pahayag ng Odiongan Public Information Office (Odiongan PIO), ang mga kits na ipinamahagi ay tugon sa hiniling ng Odiongan Mayor na si Mayor Trina Firmalo-Fabic sa UNICEF na maisama ang mga estudyante ng Odiongan sa mga programang naglalayong pagtibayin ang edukasyon sa mga komunidad.
May kabuuang 209 learning kits ang naipamahagi sa probinsya. Kasama din sa ipinagkaloob ng UNICEF ay apat na Early Childhood Development (ECD) kits, at apat na school-in-a-box.
Ipinamahagi ito sa Progesos Este Elementary School, Odiongan South Central Elementary School, at Libertad Elementary School.