Dinakip ang dalawang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Sta. Monica, Puerto Prinsesa noong 23 Agosto, alas singko ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Aron Castillo, 36 anyos na taong gulang at Romellen Estorninos, 31 anyos.
Nakompiska sa kanila ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu na may market value na P8,840.
Inaresto sila sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad at kasalukuyang inihahanda ang isasampang kaso laban kina Castillo at Estorninos sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.