Mga Laro sa Biyernes
10 a.m. – FEU vs Enderun (women’s)
12 noon – UE vs San Sebastian (women’s)
2 p.m. – Perpetual Help vs UST (men’s)
4 p.m. – NU vs EAC (men’s)
Muling ipinakita ng Far Eastern University ang kanilang tikas sa depensa para daigin ang Perpetual Help, 28-26, 17-25, 25-17, 25-13, at masungkit ang ikalawang panalo sa V-League Women’s Collegiate Challenge sa Paco Arena sa Maynila.
May naitalang 19 blocks ang Lady Tamaraws sa pinagsamang lakas nina Chenie Tagaod, Mitzi Panangin at Jazlyn Ellarina na nagtala ng pinagsamang 10 blocks.
Si Tagaod ay nagsagawa rin ng 12 kills at mayroon ring 16 points habang si Panangin naman ay nagtala ng walo habang may 12 puntos.
Si Ellarina, dating naglaro sa National University, ay nagambag ng siyam a puntos, kabilang dito ang dalawang blocks.
“Na-test yung team chemistry namin kasi nag-ikot kami ng mga tao. Ang maganda, may nabuo kami sa game at naging ready yung mga players, kaya naging maganda laro namin,” ang sabi ni coach Manolo Refugia, kung saan pinanood niya ang kanyang koponan na nagbigay ng 39 errors.
Ang ikalawang panalo ng FEU ay magandang follow up sa kanilang pagwawagi laban sa Mapua Lady Cards noong isang Linggo.
Pinamunuan naman ni Mary Rose Dapol, na nagtala ng 12 puntos at Tracy Andal na may 18 digs ang Lady Altas, na nadapa sa una nilang pagkatalo sa dalawang laro.