Hinihintay pa ng Commission on Election (COMELEC) ang resolution mula sa Kongreso na nag-aatas na magkarron ng special election sa nabakanteng position ng napatalsik na kongresista ng 3rd District ng Negros Oriental na si Arnolfo Teves Jr.
Sa panyam ng Brigada NewsFM kay COMELEC Chairperson George Garcia, sinabi nitong wala pa silang pormal na sulat na natatanggap mula sa House of Representatives bagaman aminado ang opisyal na hindi talaga ito kakayanin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre.
Nilinaw ni Garcia na hindi basta-basta ang special elections kaya kailangan nila ng sapat na oras at pondo para dito. (BNFM)