Layunin ng press briefing na linawin ang mga isyu o usapin sa bansa upang maging malinaw sa taong bayan.
May mahalagang papel ang moderator para maging maayos ang daloy ng talakayan sa pagitan ng mga mamamahayag at resource person.
Sa ginanap na pulong balitaan sa Malacanang kahapon, sa halip na linawin ay lalong lumabo ang isyu kung bakit ang ilang malawakang pagbaha na naranasan sa bansa ay sinisi sa ilang big ticket infrastructure projects ng administrasyong Marcos Jr.
Pero mukhang hindi naintindihan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang tanong ng reporter kaya mali ang kanyang sagot.
“Yes, ma’am. Many of these projects are actually… are meant to address the perennial flooding issues ‘no. If you look in the list of the IFPs, many of these are related to water management and related projects ‘no that—or infrastructure projects that address the flooding and access to reliable water supply,” tugon ni Balisacan.
Hindi na binigyan ng tsansa ni Press Briefer
Daphne Osena-Paez ang reporter na makapg-follow-up question.
Ibang mamamahayag na ang kanyang tinawag para magtanong.
Ibig sabihin, mismong si Osena-Paez ay hindi nakikinig sa press briefing.
Kung itutuon lamang ni Osena-Paez ang kanyang atensyon sa tanong ng reporter, sana ay siya na ang nagpaliwanag kay Balisacan kung tungkol saan ang isyung nais mabatid ng bayan.
Wala naman mawawala kung gagawin ng maayos ang trabaho lalo na’t galing sa pera ng bayan ang tinatanggap na sahod ng isang taga-gobyerno.