Inanunsyo ng DepEd na ang pag-asam na bumalik sa orihinal na pagbubukas ng mga klase sa buwan ng Hunyo ay hindi pa rin maipatutupad sa susunod na taon.
Ito ay ayon kay Assistant Education Secretary Francis Bringas nang dumalo siya sa pagdinig ng Senate committee on basic education.
Binanggit ni Bringas para sa school year 2023-2024, ang mga klase ay magbubukas sa Agosto 29 at magtatapos sa Hunyo 14 sa susunod na taon.
Sinabi niya na ang Agosto 29 ay susunod pa rin sa umiiral na batas na nagsasaad na ang pagbubukas ng paaralan ay hindi dapat bago ang unang araw ng Hunyo at hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.
Aniya, nakasaad sa Deped Order para sa susunod na school year na hindi pa positibong maipatutupad ang opening para sa Hunyo dahil tinatapos pa ang darating na pasukan sa Hunyo 14, 2024.
Tinutukoy ng opisyal ang DepEd Order Number 22 na nagbabalangkas sa school calendar at mga aktibidad para sa school year 2022-2023.(BR)