Tila naging manghuhula ang mga netizen sa hugot post ng aktor na si Jake Ejercito sa social media platform na X (dating Twitter).
Nakalagay sa post ng aktor: “Sana’y bumagal ang oras para makasama ka ng matagal.”
Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens na pumapatungkol sa kanyang buhay pag-ibig o di kaya naman ay health matters.
“I know that long life already runs in the family so I just wish him a happy and peaceful life,” sabi ng isang netizen.
Si Ejercito ay kilala bilang ama ni Ellie sa dating girlfriend na si Andi Eigenmann.
Noong taong 2016, inamin ng aktor na anak niya si Ellie pagkatapos ng isang DNA test.