Ang 12 players na bubuo sa Gilas Pilipinas na maglalaro sa FIBA World Cup ay maituturing na pinakamatangkad na koponan sa kasaysayan ng Philippine basketball.
Sa pangunguna ng 7-foot-3 center na si Kai Sotto, dalawang 6-foot-10 players na sina June Mar Fajardo at AJ Edu at athletic 6-foot-9 forward na si Japeth Aguilar, ito na ang pinakamalaking team na nabuo simula nang sumali sila sa world basketball competitions.
Pero may agam-agam dito si Philippine basketball legend Jojo Lastimosa matapos makita ang 12 players ng Gilas na sasabak sa World Cup simula sa Biyernes, 8 p.m. sa Philippine Arena.
Maliban kay National Basketball Association star Jordan Clarkson, walang maituturing na pure outside shooter sa koponan, dahilan para magduda ito kung paano maglalaro ang koponan na aasa lamang sa laki at liksi ng mga manlalaro.
Kasama rin sa koponan ng Gilas sina reigning Philippine Basketball Association Most Valuable Player Scottie Thompson at ang kanyang Ginebra teammate na si Jamie Malonzo, Roger Pogoy, CJ Perez, at Filipino international players Dwight Ramos, Kiefer Ravena at Rhenz Abando.
“If there’s one thing we lack, it’s outside shooting,” dagdag ni Lastimosa, na naglaro sa Pilipnas sa Asian Games kung san kakampi niya ang mga outside shooters na sina Allan Caidic at Samboy Lim noong 1986 gayundin si Kenneth Duremdes noong 1998.
“The only weapon we have outside is just Clarkson. But if we have good shooting night from Dwight, Roger, Malonzo and the other guards, I would say we have a 50/50 chance to win a game. If we shoot 35-38% from the three-point region, we have a good chance.”
Pero matibay magagawa namang maka-match up ng Gilas sa mga mas malalaking kalaban sa torneo, ayon kay Lastimosa, ang champion coach ng TNT.
“It’s complete. We have interior and perimeter defense, athletic players and playmakers,” dagdag pa ni Lastimosa.
Maganda rin ang balanse ng timpla ng Gilas.
Sina Fajardo at Aguilar ay ang pinakamatagal na miyembro ng national team at maglalaro sila sa World Cup sa ikatlong pagkakataon.
Una silang naglaro sa World Cup noong 2014 sa Seville, Spain at naging kakampi naman sina Ravena, Perez at Pogoy noong 2019 games sa China.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay pawang maglalaro sa World Cup sa kanunaunahang pagkakataon kabilang na si Clarkson, agn NBA All-Star at dating Sixth Man of the Year awardee.
Sina Edu at Sotto ay magkakaroon rin ng reunion. Dati silang magkasama sa World Cup, bilang mga miyembro ng Batang Gilas na naglaro sa under-19 squad apat na taon na ang nakakaraan.
Hindi naman maikala ni SBP president Al Panlilio kung gaano siya ka-excited para sa pagsabak sa aksyon ng Gilas.
“It’s a balanced and good team,” ang mensahe ni Panlilio. “I’m excited and can’t wait for the games to begin.”