Inihayag ng isang Maritime Law Expert na nakatulong ang pag-pressure ng Pilipinas sa China sa international community hingil sa matagumpay na resupply mission sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Atty. Jay Batongbacal, sinabi nito na malaking bagay na inanunsiyo ng ating pamahalaan gagawin nga nila yung Rotation and Resupply (RoRe) Supply Mission.
Samantala, suportado rin ni Batongbacal ang ginawang pagdedeklarang persona non grata kay Chinese Ambassador Huang Xilian.
Aniya, kung siya raw ang tatanungin—mas maigi pang palitan na lamang ito.
Sabi ni Batongbacal, maka-ilang beses na raw kasing napatunayan na iba ang sinasabi ng envoy, sa totoong mga ginagawang aksyon ng Chinese Coast Guard kaya naman tila ba’y nagpapalusot lang daw ito at nagmamalinis.(BNFM)